Siklab ng Katagalugan, Patuloy na Nag-aalab

Patuloy na gumagawa ng pangalan ang Siklab ng Katagalugan (SnK) sa larangan ng peryodismo sa
nakamit nitong mga parangal sa kauna-unahang pagtanggap ng publikasyon sa hamon ng BayLayn
(Para sa Bayan at Lasalyano) 2024 na ginanap noong Abril 6 sa De La Salle University Manila.

Ang BayLayn ay isang inter-high school journalism competition na sinasalihan ng mga paaralan at mag-
aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sa unang paglahok ng SnK, nasungkit ni John Denver
Bechayda ang unang puwesto sa kategorya ng pagsulat ng artikulong Pang-Agham at Teknolohiya
samantalang nakamit naman ni Kassandra Cueto ang ikalawang puwesto sa pagsulat ng artikulong
Pambalita.

Itinanghal din ang pahina ng Balita ng pahayagan bilang ikalawang pinakamahusay sa lahat ng
pahayagang pampaaralang sumali sa paligsahan.

Sa temang Sensasyonalismo sa Pamamahayag: Etika at Limitasyon ng Paghahatid ng Balita, mas pinag-
alab din ang diwa ng malaya, makatarungan, at matapang na peryodismo sa puso ng mga iskolar-
mamamahayag ng SnK sa pamamagitan ng mga makabuluhang pagbabahagi nina Bb. Joyce Babe

Pañares ng Manila Standard at G. Job Manahan ng ABS-CBN.


TINGNAN: ExperTalk Season on DOSTv, dinaluhan ng mga kawani at iskolar ng PSHS-CALABARZONRC.
by Kassy Cueto | SIKLAB NG KATAGALUGAN | Pebrero 16, 2024

Ginanap sa Auditorium ng E-learning Hub ang “ExperTalk Season on DOSTv”, isang programang naglalayong magbahagi ng iba’t ibang inobasyon at pananaliksik ng mga siyentista at ekspertong Pinoy. 

Dinaluhan din ang naturang programa nina DOST-STII Director Dr. Richard P. Burgos, PSHSS Executive Director Lilia Habacon, at PSHS-CALABARZONRC Director Rex Forteza.
Nagdala ng aliw at kasiyahan sa mga iskolar ang host ng ExperTalks na si AJ Castro sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga palaro, performance, at raffle na sinalihan ng mga iskolar.

Naganap sa Pisay ang Program Launch upang isulong ang pagsusubaybay sa ExperTalks na siyang mapapanood sa People’s Television Network tuwing Sabado, 4:00 PM at Linggo,
10:30 AM.

“We, at DOST-STII, really wanted to create content for people like you — the youth. That is why we launched ExperTALK last 2019. This program aims to, first, to spread awareness on the great work being done by our scientists and researches. Number two, to inspire the youth kagaya niyo to pursue a career in STEM,” pahayag ni DOST-STII Director Richard Burgos.

Namigay din ng samot-saring mga papremyo mula sa mga palaro ang programa kung saan nakatanggap ng pera, tiket, at iba pang pahandog ang mga iskolar.
41
40
37
36
45
44
39.1
previous arrow
next arrow